Why CHRISTmas is big among Filipinos, home or abroad...
My Professor once said he is amazed at how Filipinos regard CHRISTmas. He said, he finds it crazy that we celebrate it that long, buying expensive tickets just to go home, and everything. That's why, he no longer asks his Filipino students when we seek permission to go home.
Pero, bakit nga ba hit na hit ang Pasko sa mga Pinoy? Ilan lang ito sa mga naisip ko:
- maraming pera mga tao, me mga CHRISTmas bonuses, cash gift, year end bonus, 13th month pay. yung iba, meron hangang 16th month pay o higit pa. pati mga bata, madaming pera. damin nilang natatanggap mula sa mga ninong at ninong, at ninong-ninang din ng mga kapatid nila, relatives and family friends;
- daming parties: meroong for the office, close friends in the office, college friends, high school friends, childhood friends, kapitbahay, badminton friends, mountaineer friends, new friends, clubs, relatives, relatives ng asawa, relatives ng gf/bf, family, family ng asawa, family ng gf/bf, PTA parties, fans clubs, choir parties. bukod pa sa daming binyag at kasal during this season. Dito sa japan, dami rin parties. with international community and filipino community
- daming midnight sale, mega sale, tiangge, bagsak presyo sa divisoria, baclaran, pati sa neighborhood me mga tiangge, at labas ng simbahan;
- daming free shows, sa greenhills, sa megamall, sa glorieta, sa baywalk, sa intramuros, sa fort, sa school, sa office, pati sa barangay at city hall meron din;
-daming magandang tanawin at kumukutitap na ilaw lalo na sa gabi, sa ayala highway, sa roxas blvd, pati sa ilalin ng LRT. miski dito sa Japan, di rin pahuhuli sa mga CHRISTmas decorations.
ika nga ng prof ko, "Filipinos are crazy over CHRISTmas", sa puntong marami ring nalulunod sa sobrang kasayahan ng Pasko at nakakalimutan na ang tunay na kahulugan nito.
- lalong nadedepress, kasi, hindi nakakuha ng malaking bonus
- napipilitang gumawa ng masama, tulad ng pagnanakaw, para lang me mairegalo sa gf o mga anak
- nababaon sa utang kasi, gustong magpasikat sa ibang tao, kaya bonga ang decoration sa bahay, at signature lahat ng panregalo
- daming aksidente sa kalye, kasi sobra traffic at nag-uunahan sa sale
- tinatawag na december o yearend parties ang CHRISTmas parties, para maging politically correct at di maka-offend sa mga di nakakaunawa sa tunay na kahulugan ng Pasko
- lalong nagkakaroon ng hidawaan sa office, kasi yung iba ayaw magbigay ng contribution, o kaya, feeling nya lugi sya sa natanggap nya sa exchange gift, o yung monito nya, never nagbigay sa kanya
-sunog! sa dami ng ilaw sa bahay
- overweight, empatso, sa dami ng kinain. wose. inatake dahil sa high blood
- yung iba, lalong nalulungkot at feeling nila, mag-isa sila sa mundo, kasi wala silang gf/bf na makakadate
pag lipas ng CHRISTmas, nakikita natin yung mga magagandang regalo na natanggap natin, timbang na dumagdag, mga bagay na nabili dahil sa bonus, pati na rin mga basura sa kalye at loob ng bahay dahil sa handaan, balot ng regalo at decorations.
pero, malamang, tinatanong din natin ang ating sarili kung nagsimba ba tayo miski isang beses nung Pasko o simbang gabi. natuwa ba talga yung mga tao sa mga binigay nating regalo at pinakain natin sa kanila. nabati mo na ba yung officemate mo na matagal mo ng di kinakausap pero walang pagkakataon. sayang, sya pa naman nakuha mong monita.
tuwing Pasko, me kakaibang damdamin na nag-uumapaw sa ating mga Pilipino. kaya gusto nating magpakasaya, at gustong ibahagi ang damdaming ito, maging sa mga di natin kakilala o mga taong nakatampuhan natin. merong bugso ng damdamin sa ating mga Pilipino na syang dahilan kung bakit kakaiba ang pagdiriwang natin ng Pasko. sobrang makapangyarihan na madalas gumagawa tayo ng mga bagay na di natin maipaliwanag, maging yung mga taong hindi na naniniwala sa tunay na diwa ng Pasko.
sa totoo lang, di ko rin alam kung bakit ganun katindi ang pagsasaya nating mga Pilipino tuwing Pasko, nasa Pilipinas man o labas ng bansa, tulad dito sa Tokyo. minsan, miski walang party of regalo, masaya pa rin ang puso. maalala lang natin ang Pasko, me kakaibang tuwa na. at imposibleng din naman kasi na hindi natin maalala ang Pasko, miski dito na hindi naman alam ang kwento ng Pasko, marami pa ring magpapaalala sa ating na Pasko na nga.
Pero, para sa akin, ang Pasko ay isang tunay na regalo sa ating mga Pilipino. Mayaman o mahirap, naging mabait man tayo o hindi, libre nating nararanasan ang ligayang dulot ng Pasko. Salamat sa Pasko, salamat sa araw na sinilang si Hesus sa mundong ito. Salamat ke Hesus, ang me kaarawan. Sya ang tunay na dahilan at punot-dulo sa lahat ng pagdiriwang na ito.
<< Home